POCO M3 PRO 5G - World's Cheapest 5G Phone, Honest Review After 1 Week! By GADGET SIDEKICK

By GADGET SIDEKICK
Aug 14, 2021
0 Comments
POCO M3 PRO 5G - World's Cheapest 5G Phone, Honest Review After 1 Week!

Kapag binabanggit ko ang POCO, ang unang pumapasok sa isip ko ay mabilis, pangalawa ay ang presyo. Gaanong kabilis at kamura ito? Malalaman natin pagkatapos nating ilabas ito mula sa kahon. (panimulang musika) Ngayon nakita na natin ang POCO M3 Pro. Pagkakuha ko nito mula sa kahon, ang unang pumasok sa isip ko... Magiging parehas ba ang itsura nito mula sa POCO M3? At dahil magkamukha ang POCO X3 at POCO X3 Pro, siguro maging kamukha rin sila nito. Pero syempre may pagbabago sa kanyang disenyo, binago nila yung disenyo, at ito ay mas maganda— syempre para sa akin lang yun— kumpara sa POCO M3.

Para sakin, yung POCO M3 Pro ay mas propesyonal tingnan kaysa sa POCO M3. At syempre, ito ay ang pinakaunang telepono ng POCO na may MediaTek na chipset. Ang POCO M3 Pro ay may MediaTek Dimensity 700. Isa itong 7nm na chipset. Kaya nitong tumakbo hanggang 2.2Ghz sa loob nitong octa-core na processor. At ang maganda rito ay 5G ready na ito, hindi lang isang SIM, kundi dual standby.

Itong teleponong ito ay may dalawang konpigurasyon... mayroong 64GB na storage o kaya ang 128GB na storage. Parehas sila ay UFS 2.2 ready. At sa loob nito ay ang MIUI12 para sa POCO sa Android 11. Ngayon, tingnan natin ang iskor sa AnTuTu Benchmark.

Nakakuha ito ng 302,000 na puntos. Para sa akin, siguro mas okay ito kaysa sa Snapdragon 620 series. Ngayon, ang sunod na gusto kong subukan dito sa teleponong ito ay ang konekyson ng 5G. Ngayon makikita natin na may 5G na koneksyon sa aking telepono. Sumubok tayo ng isang mabilisang speed test upang makita natin gaanong kabilis ito.

Sa speed test na ito makikita natin na kasing bilis ng 120 Mbps dito sa aking lokasyon ngunit hindi ito ang pinakamagandang bilis na pwede kong makuha sa network na ito. Siguro dahil nasa loob ako ng bahay at ang 5G ay 'di pa gaanong ka-advanced sa aking bansa. Makikita natin na nakakuha ako ng 120 Mbps na download at 5 Mbps sa upload. Para sa akin hindi na masama na may 5G na konekyson sa loob na aking studio. At siguro magiging mas maayos ang network na ito sa mga susunod na buwan.

Ngayon, ang teleponong ito ay may 6.5-inch FHD+ IPS LCD. And ito ay 90Hz. Para sa akin ay hindi na masama. Ang isa sa nagustuhan ko sa teleponong ito ay may dynamic switch display ito. Ibig sabihin nito ay kaya nitong magpalit mula 30Hz, 50Hz, 60Hz, at 90Hz ng magisa para makatipid ka ng enerhiya at baterya sa teleponong ito.

And teleponong ito ay mayroon ding 400 nits na display, na para sa akin ay sobrang liwanag na. 'Di na masama. Ang screen nito ay protektado ng Corning Gorilla Glass 3. Ang likod nito ay gawa sa plastik. At ang frames nito ay gawa rin sa plastik.

Kapag tiningnan natin ang display, masasabi ko na sobrang ganda nito. Punchy yung display. Kahit na IPS LCD ito, kaya parin nitong magpakita ng matitingkad na kulay sa 400 nits nito. At siyempre, ang viewing angle ay maganda rin. Ngunit, ang butas nito rito ay medyo may kalakihan at medyo nakakainis din ito kapag nanonood ka ng pelikula dito.

And tunog dito ay disente naman. Binigyan ako ng loudspeakers nito ng magandang karanasan habang nanonood ng pelikula. Pero siyempre, medyo nasanay ako sa mga teleponong may stereo surround speaker. Siguro mas naging okay ito kung may dual stereo speakers ito. Ngayon, gusto ko subukan ito sa paglalaro.

Ang MediaTek Dimensity 700 ay medyo bago lang para sa POCO. At ang POCO ay kilala sa kanilang bilis sa paglalaro. Tingnan natin kung gaanong kabilis ito sa Call of Duty. Sa paglalaro ko ng Call of Duty dito, masasabi ko na okay naman, pero syempre 'di ko kaya i-set sa pinakamataas na settings. Ang pinakamataas na kaya kong i-set dito sa graphics quality ay medium at high frame rate.

Wala na bukod doon. Sa gameplay, masasabi ko na disente naman at maayos. Hindi ako masyado umasa sa teleponong ito pagdating sa gaming dahil halos 'di nito kaya umabot sa pinakamataas na graphic settings. Pero syempre okay pa rin naman ang gameplay. Pero nararamdaman ko talaga yung mga lag, mga frame drops sa teleponong ito habang naglalaro ako ng Call of Duty.

Isang bagay na napansin ko ay minsan yung karakter ko ay lumalaktaw kapag pinapalitan ko ang viewing angle. At nakakarinig din ako ng lag pagdating sa mga tunog habang nilalaro ko ito. Sana maayos nila ito sa mga susunod na firmware updates. And teleponong ito ay may triple camera setup. Mayroon itong 48MP na main shooter na may aperture na f/1.79, 2MP macro lens, at 2MP depth sensor. At siyempre, sa harap ay ang 80MP selfie shooter.

Tingnan natin ang camera output mula sa teleponong ito. Isang bagay na napansin ko sa teleponong ito ay may mga litrato na kinuha ko sa labas ay medyo overexposed, maging sa harap na kamera o kahit sa likod na kamera. Siguro kaya nilang maayos ito kapag nagsagawa sila ng mga susunod na firmware updates dito. At naniniwala akong may ibubuga pa ang kamera nito sa mga susunod na firmware updates. Ngayon, sumubok ako kumuha ng mga bidyo sa harap at likod na kamera at masasabi ko na overexposed ang mga ito.

Kahit sa loob, overexposed pa rin. Ang teleponong ito ay NFC ready at kaya rin nitong magplay ng mga musika sa mga FM stations. Mayroon din itong side fingerprint scanner... hindi nga lang bilugan. Ang teleponong ito ay may 5,000mAh na baterya.

Kaya nitong magsuporta ng hanggang 18W na fast charging. Sa loob ng kahon nito ay may kasamang 22.5W na fast charger. Base sa aking wattmeter, ang teleponong ito ay kayang tumanggap ng hanggang 19W na bilis. Ngayon, inubos natin hanggang 17%... at chinarge natin pabalik hanggang 100%, inabot ako ng dalawang oras para lang makumpleto ang gawaing iyon.

Ngayon, isa sa mga kalamangan ng teleponong ito ay ang baterya ay medyo may pagkakunat. Kaya nitong tumagal ng hanggang 17 na oras at siyam na minuto na screen-on time. Base sa aktwal na paggamit ko nito sa nakaraang linggo, ang teleponong ito ay tumagal sa akin ng dalawang araw sa normal na paggamit ko rito... para sa onting social media, onting panonood ng YouTube, at kaunting paglalaro. May tatlong kulay kang pagpipilian sa teleponong ito— ang power black, cool blue, at ang POCO yellow.

Para sa akin, pinili ko ang POCO yellow. Ano ang iyo? Ang pinakanakakapanabik na parte, ang 5G na telepono na ito ay nagkakahalagang mas mababa sa $200 at masasabi ko na siguro ito ang pinakamurang 5G na telepono na mayroon sa merkado ngayon. Ngayon, kung nagtitipid ka ngayon at gusto mong makasubok ng 5G na koneksyon sa bansa mo, marerekomenda ko ang teleponong ito, ang POCO M3 Pro 5G. Talagang isang pocket-friendly na device ito at syempre na may 5G na koneksyon. So, anong masasabi mo sa teleponong ito? Magcomment sa comment section sa ibaba.

At syempre kung nagustuhan niyo ang bidyong ito, huwag niyo kalimutang mag-like, subscribe, at siyempre pindutin niyo ang bell icon para wala kayong makakaligtaan na mga susunod na bidyo dito sa aking channel. Magkita-kita muli tayo sa susunod.


Source : GADGET SIDEKICK

Phones In This Article



Related Articles

Comments are disabled

Our Newsletter

Phasellus eleifend sapien felis, at sollicitudin arcu semper mattis. Mauris quis mi quis ipsum tristique lobortis. Nulla vitae est blandit rutrum.
Menu