Nung nakaraang taon, ginimbal ng Red Magic 5 ang mundo. Halos pinantayan nito ang kahanay nito katulad ng ROG 3 at binigyan talaga nito iyong ng magandang laban. At ngayon, hawak natin ang Red Magic 6. Ito ang sumunod sa napakasikat na Red Magic 5. Sobrang nasasabik akong subukan ito. Buksan na kaya natin ito ngayon sa aking channel? (panimulang musika) Kamusta kayo? Ako si Richmond ng Gadget SideKick at maligayang pagbabalik sa aking channel.
At nasa aking kamay pagkabukas natin ay ang Red Magic 6. Sobrang kahawig nito ang Red Magic 5, syempre ito ang sinundan niya. Ang disenyo ay sobrang may pagkaparehas. Ang teleponong ito ay mayroong pinagkabagong Snapdragon 888 kung saan 5G capable na ito at magkasamang 5nm chip. Sa loob ay ang Adreno 660 bilang pangunahing GPU.
Ang teleponong ito ay may tatlong variants lamang. Ang mga ito ay 8/128GB na storage, 8/256GB na storage, o kaya ang 12/256GB na storage. Lahat sila ay UFS 3.1 ready. Ngayon, unang beses sa aking channel, ang teleponong ito ay nakalagpas ng 700,000 na marka sa AnTuTu. Ang huli muntik na ay ang Mi 11 na umabot ng 699,000.
Pero ito, lumagpas pa ng kaunti at nakakuha ito ng 728,000 na puntos. Syempre walang daya ito. Nagulat lang ako sa iskor sa AITUTU dito dahil 164,000 puntos lamang ito. 'Di ko alam bakit. Dito sa 3DMark, mayroon itong 5,800 na puntos sa Vulcan, at maxed out ito sa Sling Shot Extreme.
Kakaiba noh? Ngayon, ang teleponong ito ay may Widevine 1 security level na ibig sabihin, kaya kong manood ng lahat ng bidyo dito sa teleponong ito ng HD. Ngayon, ang teleponong ito ay may kasamang 6.8-inch AMOLED display na sinamahan ng 1080p resolution. Napakaayos nito. At hulaan niyo, mayroon itong napakataas na 165Hz na screen refresh rate at sinamahan pa ng Corning Gorilla Glass 5 sa harap at glass din sa likod kasama ng aluminum na frame. Meron din itong 400Hz na touch sampling rate.
Ngayon, sa mga numerong iyon, subukan natin sa mga gaming tests. Dito sa gaming, masasabi ko na nakalaro ako ng tatlo. Sunod sunod ito. Ang una ay ang Call of Duty na kung saan ito ang isa sa mga paborito kong laro dito sa telepono. Tapos syempre naglaro rin ako ng Genshin Impact, Mobile Legends.
Manood kaya tayo ng mga gameplay dito? Sa pangkalahatan, habang naglalaro ng mga ito, masasabi ko na maganda talaga ang naranasan ko dito. Sa paghawak ko ng gaming phone, may built-in na parang bentilador sa loob. Syempre habang naglalaro ako dito lalo na 'pag habang nasa kalagitnaan ng paglalaro, magbubukas ang fan at talagang tinatanggal nito ang mainit na hangin sa gilid nito. Malaking tulong talaga ito. Ngayon masasabi ko na ang cooling system sa teleponong ito ay kakaiba talaga.
Ramdam ko talaga na mas hindi ito nagiinit kumpara sa Red Magic 5G 4. Pero syempre may opsyon ka na magkabit ng cooling fan. Sa pangkalahatan, ang lahat ng gameplay sa tatlong laro na nilaro ko, naging maganda talaga ang naging karanasan ko. Mayroon itong magandang stereo surround sounds pati na rin ang 3.5mm na audio jack na sobrang dalang na makita sa mga gaming phones katulad nito. Sobrang laking tulong talaga nito.
Pwede ako magkabit ng paborito kong headphones dito habang naglalaro ako ng mga gusto kong laro. Ngayon, ang teleponong ito ay mayroon ding under-display na fingerpring canner na sobrang bilis naman tumugon. Tingnan din nating ang mga camera modules sa teleponong ito. Mayroon itong tatlong camera setup. Ang una ay ang 64MP aperture na f/1.8 na pangunahing sensor pati na rin ang 8MP na ultrawide sensor at ang 2MP macro lens. Sa harap ay may 8MP na front shooter.
Tingnan natin ang ilang mga kuha sa teleponong ito. Sa mga nakuhang larawan sa labas, di talaga ako sobrang nagandahan. 'Di talaga ako umaasa ng sobra sa isang gaming phone katulad nito. Syempre kung sobrang ganda nito sa panglaro, maari talagang hindi okay ito pagdating sa camera. Ngayon, sa mga lawarang nakita niyo ay mas saturated kumpara sa karaniwan.
At siguro mas may igaganda pa ito. Siguro ilang firmware updates ang makatatama sa mga larawang ito. Ngayon, tingnan natin ang mga larawan mula sa harap na camera. Ayun, ang 8MP ay malaking pinagkaiba talaga. Para sa akin, ang mga kuhang ito ay di kagandahan.
Hindi talaga ako sobrang umaasa mula sa harap na camera nito. At alam niyo na ba na ang teleponong ito ay may 5,000mAh na baterya na kayang sumuporta hanggang 66W na charging? Sabi ng Nubia na kaya nitong magcharge sa loob ng 38 na minuto. Kamusta naman diba? Sinagad ko naman ang baterya nito hanggang 20% at chinarge ko pabalik hanggang 100%. Hulaan niyo, gamit ang default na kable at default na charger, umabot ito ng kulang kulang na 64W. Natapos ako sa loob lamang ng 36 na minuto.
Maganda ang naging resulta. Ayun guys, ano ang masasabi niyo sa teleponong ito, ang Red Magic 6? Masasabi ko na nalagpasan talaga nito ang Red Magic 5 na naging patok nung nakaraang taon. Marami ang naghanap ng Red Magic 5 kaya ginulantang talaga nito ang mundo ng gaming noon. Nagustuhan niyo ba ang teleponong ito? Magcomment kayo sa comment section sa ibaba at ipaalam niyo sa akin ang inyong opinyon tungkol sa Red Magic 6. Kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito, huwag niyong kalimutang mag-like, mag-subscribe, at syempre pindutin niyo ang bell icon para hindi niyo makaligtaan ang kahit anong bidyo ko dito sa aking channel.
Sana'y makita ko muli kayo sa susunod. Paalam!.
Source : GADGET SIDEKICK