POCO X3 GT FULL REVIEW - 2 WEEKS AFTER, WATCH BEFORE YOU BUY By GADGET SIDEKICK

By GADGET SIDEKICK
Aug 14, 2021
0 Comments
POCO X3 GT FULL REVIEW - 2 WEEKS AFTER, WATCH BEFORE YOU BUY

Grabe si POCO guys. Sunod sunod ang kanilang nilabas na mga telepono. Una ang POCO X3, tapos sinundan ng POCO X3 Pro at ngayon, POCO X3 GT na ang kanilang nilabas. Naintriga ko kung anong meron sa teleponong ito. Tara, samahan niyo ko. Buksan natin.

(panimulang musika) Hi guys! Ako nga pala si Richmond ng Gadget SideKick at maligayang pagbabalik sa aking channel. So nakita natin ang unboxing ng POCO X3 GT at masasabi ko na ang teleponong ito ay gumanda pagdating sa disenyo nito. So makikita natin ang gradient nito mula sa isang silver na kulay papuntang itim na kulay pero ang maganda rito ay mayroon itong glitters sa ilalim. Tingnan niyo. So sinabi ng POCO sa ang teleponong ito "Speeed has power.

" And teleponong ito ay may MediaTek Dimensity 1100 na may 6nm flagship chip sa loob nito. So ang isang ito ay mayroon ding pinakabagong liquid cooling technology 2.0 kung saan mas hindi ito magiinit habang naglalaro ka ng mabibigat na laro. Ang teleponong ito ay naka MIUI 12.5 para sa POCO na Android 11. Ngayon, tingnan natin ang iskor sa mga benchmarks. Nakakuha ito ng 581,000 na puntos sa AnTuTu Benchmark.348,000 na puntos sa AITUTU Benchmark. Nakakuha ito ng napakataas na iskor sa Sling Shot Extreme kaya naging kaakit-akit ito.

Ngayon pansinin natin ang disenyo at display ng teleponong ito. May 6.6-inch FHD display at IPS LCD. At oo, alam ko na may iilan na 'di matutuwa rito pero mayroon itong nga kalamangan dito. Ang isang benepisyo nito ay mayroon itong 120Hz na screen refresh rate na kayang magpapalit-palit mula 30Hz papuntang 48Hz papuntang 50Hz papuntang 60Hz papuntang 90Hz at papuntang 120Hz. Kayang magpapalit-palit nito magisa depende sa sitwasyon.

Mayroon din itong 240Hz na touch sampling rate at 450 screen brightness. Ang teleponong ito ay may proteksyon ng Corning Gorilla Glass Victus na ang pinakabago sa hanay ng Corning Gorilla. Ito ang pinakamatibay sa lahat ng Corning Gorilla Glass. Ang likod at frame nito ay gawa sa plastik. And teleponong ito ay may tatlong kulay.

Mayroon itong stargaze black, wave blue, at cloud white. Ngayon, sa panonood ng mga bidyo sa teleponong ito, masasabi ko na ang display nito ay maganda. Pagkakaroon ng 120Hz na screen refresh rate rito ay nagpaayos kapag nanood ka rito. Lalo na kapag nagamit ka ng Facebook o habang nanonood ka ng mga bidyo, napakaayos nito. Ngayon, nag-enjoy ako sa panonood ng mga bidyo dito dahil may stereo mode ito.

Napaka-immersive ng tunog ng teleponong ito kapag nanonood ka ng mga paborito mong pelikula sa Netflix at pati narin sa YouTube. Ngayon, ang teleponong ito ay may tatlong kamera. Mayroon itong 64MP main sensor, 8MP ultra wide lens, at 2MP macro lens. Sa harap naman nito ay may 16MP front shooter. Tara tingnan natin ang ilang kuha nito.

Ang mga nakuha kong larawan dito ay magaganda. Lalo na kapag maganda ang lighting sa labas, panigurado akong Instagrammable ito. At siyempre para sa mga larawan na kinuha indoors, masasabi ko na okay naman. Pero siyempre kapag wala masyadong ilaw, nagiging grainy ito. Kapag tingnan ang mga kuha mula sa selfie camera, masasabi ko na maayos din naman, pero siyempre kapag nasa madidilim ka na mga paligid, medyo grainy na ito.

Ngayon, pagdating naman sa mga bidyo na kuha rito, masasabi ko na stable naman ito. Lalo na para sa mga bidyo na kuha sa harap mula sa selfie camera, maayos din ito at pwede rin itong maging vlogging phone. Ang teleponong ito ay may kasamang dual SIM at dual standby 5G. So ang downside rito ay wala itong microSD card na expansion. Ngunit gayunpaman, sinubukan ko ang 5G sa teleponong ito ay nakakuha naman ako ng mabilis na koneksyon.

At ayun, nakakuha naman ako ng 5G signal agad pagkasalpak ko ng SIM card. Pero syempre, nakadepende lagi ito sa network. Ang teleponong ito ay sinamahan ng 67W turbo charging at napakabilis talaga nito at may kasama rin itong 5,000mAh na batterya. Inubos ko ang batterya nito hanggang 5% at chinarge ko ito pabalik ng 100%. Natapos ko ito sa loob ng 55 na minuto.

Kung gusto niyo ako tanungin kung gaanong kakunat ito, nakakuha ito ng 13 hours na screen-on time sa battery stress test. At muntik ko pang makalimutan, ang dual speaker nito ay Dolby Atmos. Kakaiba talaga ito. So ngayon, subukan natin ang Dimensity 1100 flagship sa paglalaro. So ngayon maglaro tayo ng Call of Duty.

Okay talaga ito. Nakapaglaro ako ng humigit kumulang isa't kalahating oras. Ito lang ang nilaro ko at napakaganda, immersive, at syempre na-enjoy ko ang tunog sa teleponong ito. At malakas talaga ang tunog nito sa parehas na dulo, sa kaliwa, pati na rin sa kanan. Pero syempre, kung gusto niyo ng mas immersive rito, pwede naman kayong gumamit ng paborito niyong headphones or headsets.

Pag tiningnan natin ang game settings, nagamit ko naman ang high settings. Napakaayos nito. At ang game experience ko rito ay isa sa mga magaganda pagdating sa isang smartphone, lalo na sa hanay ng POCO. Sabi nila rito na "Speed has power. " At naramdaman ko ang bilis dito dahil naka 1100 MediaTek ito na kung saan ito ang pinakabago mula sa MTK.

At sa gameplay, masasabi ko rin sa inyo na napakapulido dahil sa 120Hz na screen refresh rate. At ang touch sampling rate nito ay napakabilis din. Ang game experience ko rito ay napakaimmersive. At syempre ang screen brightness dito ay medyo kulang dahil 450 lang ito. Siguro mas maganda kung naging 600 or 700 ito.

Pero masasabi ko na ang frame drop dito ay wala masyado rito. Ang gameplay ay napakaayos talaga. At ang liquid cooling technology dito ay paniguradong gumana. 'Di talaga ito masyado uminit sa likod. At siguro ang liquid cooling technology 2.0 ay naging isang malaking benepisyo rito. Pero syempre kung mas gusto niya na mas hindi maginit ito, pwede naman kayong bumili ng isang gaming cooler.

At syempre, paano ko makakalimutan na may natanggap tayong case mula sa XUNDD. At ito ang pinakabagong Beatle case para sa POCO X3 GT. So ilagay lang natin, at makikita natin na maganda ang fitting nito. Mas protektado ang teleponong ito ng hindi natatakpan ang disenyo. Lalo na kapag nalaglag niyo ng ganito.

So guys kung... So guys kung gusto niyo malaman kung saan pwede mabili ang teleponong ito, ilalagay ko sa description box sa ibaba. At kung nagustuhan niyo ang bidyong ito, huwag niyong kalimutan mag-like, subscribe, at syempre pindutin niyo ang bell icon para wala kayong makaligtaan na mga susunod na bidyo rito sa aking channel. At guys huwag niyo kalimutan ang aking Road to 100 Subscribers. Patuloy parin iyon.

Kung 'di pa kayo nakakasali, mamimigay tayo ng tatlong premium phones. At ako nga pala si Richmond at ito ang Gadget SideKick.


Source : GADGET SIDEKICK

Phones In This Article


Related Articles

Comments are disabled

Our Newsletter

Phasellus eleifend sapien felis, at sollicitudin arcu semper mattis. Mauris quis mi quis ipsum tristique lobortis. Nulla vitae est blandit rutrum.
Menu