POCO X3 GT vs POCO F3 GT - The Battle for Midrange Supremacy in 2021! By GADGET SIDEKICK

By GADGET SIDEKICK
Aug 14, 2021
0 Comments
POCO X3 GT vs POCO F3 GT - The Battle for Midrange Supremacy in 2021!

So nailabas na ng POCO and dalawang bagong phones nila, ang POCO X3 GT at ang POCO F3 GT. Ang dalawang ito ay napakaganda, ngunit isang trivia, 'di mo sila parehas mabibili sa iisang bansa. Ngayon, pagusapan natin. (panimulang musika) So hi guys! Ako si Richmond ng Gadget SideKick at maligayang pagbabalik sa aking channel. Kakabanggit ko lang sa inyo na may dalawang bagong phone na nilabas ng POCO, ang POCO X3 GT na nilabas globally, at ang POCO F3 GT na nilabas sa India. Ito ang mga specs.

Bago ko simulang ang bidyo na ito, gusto ko lang magshout-out sa mga kaibigan natin sa XUNDD Philippines at pinadala nila sa akin itong dalawang maangas na Beatle case para sa aking dalawang bagong POCO phones. Itong mga cases na ito ay paniguradong drop proof at napatunayan ko na ito noon at ngayon. At talaga namang isa ito sa mga paborito kong cases. Ngayon, balikan natin ang ating paghahambing. Itong dalawang phones ay talaga namang sulit banggitin kung naghahanap kayo ng maangas na phones bilang iyong pang araw-araw na gamit.

Ngayon, ang phone na ito, ang POCO F3 GT ay nilabas lamang sa India at hindi niyo ito mabibili maliban sa India maliban kung bibilhin niyo ang Redmi K40 Gaming Edition na kung saan mabibili niyo lamang sa China, Ngayon, sa kabila naman, ang POCO X3 GT ay mabibili niyo naman globally maliban sa India, at mas kilala ito bilang Redmi Note 10 Pro 5G sa China. Ngayon, kung titignan natin ang panlabas na disenyo, makikita niyo na ang pagkakalagay ng camera ay hindi parehas at ang disenyo ng camera ay talaga namang magkaiba rin. Ngayon makikita niyo na rito, kung mayroon kayong POCO F3 GT, makikita niyo na and salitang "POCO" ay nasa gitna, habang ang POCO X3 GT makikita ang POCO logo sa kaliwang baba. Pagdating sa ilalim, makikita niyo ang USB type-C, ang loudspeaker ay magkaparehas, at syempre ang microphone in ay nandiyan pa rin. Pero sa F3 GT makikita niyo na ang SIM tray ay nasa ibaba.

Pwede rito ang dalawang Nano SIM na 5G capable na. Ang F3 GT ay also 5G capable. Sa kanan na bahagi naman, makikita niyo na ang power button ay parehas lang. Parehas silang bilugan na fingerprint scanner. Nandito ang volume rocker para sa X3 GT habang ang POCO F3 GT makikita niyo na may dalawang slider dito para magamit niyo ang pisikal na pindutan.

Okay. Ito lang ang pinagkaiba nila pagdating sa pisikalidad para sa POCO F3 GT na syempre maganda kung ikaw ay isang gamer. At sa taas naman makikita niyo na parehas silang may loudspeaker... Ang ibig sabihin ko ay stereo speaker. At syempre nandito ang noice-cancelling mic at ang IR.

And sa kabilang bahagi naman makikita niyo sa POCO X3 GT ang SIM tray na pwedeng lagyan ng dalawang Nano SIM na 5G capable. At syempre sa POCO F3 GT makikita niyo na nandiyan ang volume rocker at isa pang mic. Sa display na kategorya medyo magkaiba sila rito. Ang POCO F3 GT ay may mas malaking display na 6.67-inch at isa itong AMOLED na display. Sinamahan pa ito ng 120Hz na screen refresh rate, HDR10+, 500 nits na screen brightness.

Sa kabila naman, ang POCO X3 GT ay may 6.6-inch IPS LCD na sinamahan ng 1080p display Corning Gorilla Glass Victus na kung saan ay mas maganda. Sinamahan pa ito ng 120Hz na screen refresh rate at HDR10 tapos 450 nits na screen brightness. Ngayon pagdating sa screen brightness, makikita niyo na halos parehas lang sila. Ngunit kung manonood kayo ng pelikula, ang POCO F3 GT ang mas angat pagdating sa brightness at pagdating sa mas magandang display kumpara sa X3 GT. Ngayon ito ang itsura kapag nanonood ka ng bidyo sa POCO F3 GT.

At ito naman ang itsura kapag nanonood ka ng bidyo sa POCO X3 GT. Itong dalawang phone na ito ay may MediaTek Dimensity chip na kung saan ang F3 GT ay gumagamit ng 1200 at isa itong 5G capable na processor. Sa X3 GT naman ay gumagamit ng 1100 na 5G capable rin. Ngayon makikita niyo sa AnTuTu Benchmark version 9.0.10 ang score sa POCO F3 GT ay malayo ang pagkapanalo laban sa X3 GT. Pagdating sa AITUTU Benchmark, halos parehas lang sila na may pagkaangat lang ang F3 GT.

Ngayon tanggalin natin ang lahat ng apps sa loob at subukan natin mabukas ng apps dito kung kaya nilang magbukas ng sabay, o kaya may mauuna. Tignan natin sa Phone Dialer. In 3 2 1. Tara. Parehas lang sila.

Sabay lang sila. Ngayon buksan natin ang web browser na Google Chrome. In 3 2 1. Go. Okay.

Halos sabay lang din sila. Ngayon subukan natin buksan ang AnTuTu Benchmark at tignan natin if sabay lang sila magbubukas. In 3 2 1. Go. Okay.

Nagbukas sila ng sabay. Pagdating sa multi-tasking, 'di ko masabi na may malaking pagkakaiba pagdating sa Dimensity 1200 at 1100. Pero tignan natin ngayon ang gaming. So ito ang itsura kapag naglalaro ng Call of Duty sa POCO F3 GT. At ito naman ang itsura kapag maglalaro kayo ng Call of Duty sa POCO X3 GT.

Makikita na ang parehas na phones ay maayos pagdating sa gaming. Pero syempre mas angat para sa akin ang POCO F3 GT dahil sa dalawang ekstra na pisikal na pindutan dito sa taas na nakakatulong talaga lalo na kung hardcore gamer ka. Pero syempre ang POCO X3 GT ay hindi gaanong kalayo. Maganda rin ang pinakita nito sa gaming na kategorya. Na-enjoy ko maglaro sa parehas na devices at masasabi ko na parehas ay maganda.

Parehas din silang uminit sa parteng ito kapag naglalaro ng higit kumulang 30 na minuto ng tuloy tuloy. Masasabi ko na talagang iinit ito parehas. Pero syempre kahit itong isa ay may liquid technology... liquid cooling technology version 2.0, inaasahan ko na ang isang ito ay mas 'di umiinit, ngunit halos parehas lang sila. Ngayon pagusapan natin ang camera sa parehas na phones.

And POCO F3 GT at ang POCO X3 GT ay parehas ng camera modules. Ngayon, parehas sila ay may 64MP main camera, 8MP ultra wide lens, 2MP macro lens, at 16MP front camera. Parehas sila ay kayang kumuha hanggang 4K 30 FPS. Tignan natin ngayon ang mga litratong nakuha ko mula sa POCO F3 GT. Ito naman ang mga nakuha ko sa POCO X3 GT.

Ngayon, masasabi ko na parehas na cameras ay nakakuha ng magagandang kuha, mapalabas or mapaloob. Wala na akong masyadong masabi sa paghahambing nila. Ngayon, kung tatanungin niyo ako kung nakakakuha sila ng magaganda ng bidyo, parehas sila ay stable at syempre kayang kumuha ng stable na bidyo na 1080p. Parehas na phone ay may napakasmooth na display. Parehas ay may 120Hz adaptive display pagdating sa pagcacalibrate ng sarili.

Kung papansinin niyo ang mas buhay na kulay, masasabi ko na itong isa ay mas buhay ang kulay kaysa rito. Ito ay mas puti ang kulay. Mas puti ang puti nito. Ito naman ay medyo may pagkadilaw. Ngayon pagusapan natin ang baterya ng dalawang ito.

Ang POCO F3 GT ay mas may malaking baterya na 5,500mAh na baterya, habang ang POCO X3 GT ay may 5,000mAh na baterya. Parehas sila ay kayang sumuporta ng 67W na fast charging. At masasabi ko na parehas itong nagcharge mula 20 hanggang 100 sa loob ng isang oras. At syempre, nilagay ko ang parehas na phones sa battery stress test. Mas tumagal itong isa ng 14 na oras.

At itong isa ay tumagal sakin ng 13 na oras. So kaunting pagkakaiba lang. Parehas namin ay tumagal sa akin ng higit isang araw pagdating sa normal na paggamit. At parehas ay nakapagperform ng maayos pagdating sa battery efficiency. Ngayon, pagdating sa kulay, ang POCO F3 GT ay may predator black at gun mental silver, habang ang POCO X3 GT ay mas maraming pagpipilian.

Meron kang stargaze black, wave blue, at cloud white. Pagdating sa presyo, may kaunting pinagkaiba. Itong POCO F3 GT ay may presyo na humigit kumulang 300 Euros, habang itong POCO X3 GT ay may presyo na humigit kumulang 260 Euros. Syempre nakadepende ito sa inyong bansa. So guys, nalaman na nating ang dalawang phones na ito ay parehas maangas.

At syempre masasbi ko na ang POCO X3 GT ay mabibili globally habang ang POCO F3 GT ay makukuha lamang sa India. Pero syempre alam niyo naman na mayroong Redmi na bersyon. Ang POCO X3 GT ay mas Redmi Note 10 Pro 5G sa China, habang ang POCO F3 GT ay may Redmi K40 Gaming Edition sa China. Pagdating sa performance, ang POCO F3 GT ay may lamang habang kung gusto niyo ng mas mura, pwede niyong bilhin ang POCO X3 GT. So, kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito, huwag niyong kalimutan mag-like, subscribe, at syempre pindutin niyo ang bell icon para wala kayong makakaligtaang bidyo mula sa aking channel.

So ako si Richmond at ito ang Gadget SideKick.


Source : GADGET SIDEKICK

Phones In This Article




Related Articles

Comments are disabled

Our Newsletter

Phasellus eleifend sapien felis, at sollicitudin arcu semper mattis. Mauris quis mi quis ipsum tristique lobortis. Nulla vitae est blandit rutrum.
Menu